My first fried siomai experience was at Paotsin - isa sa mga food stalls sa labas ng SM North EDSA Supermarket. Naglipana na rin ang kanilang mga branches all over - sa supermarkets at food courts ng mga malls ni Tito Henry, Tita Robina at Tito Jaime. Ilang taon na rin ang nakalipas when I first tasted their siomai. Ang una kong napansin ay ang kakaiba nilang packaging - violet styro with matching violet sfork. Medyo kakaiba sa nakasanayan ko na puting styro ng Henlin. Kelan ko lang rin napansin na nabago na ang kanilang packagaing - from violet, naging black styro but still with the matching black sfork. So ang overall presentation ng food medyo weird, hindi naman nakakatakot pero may pagka-weird (paulit-ulit?) talaga. Imagine - black styro, green rice (Hainanese rice), golden brown fried siomai and violet sfork. So para tuloy meron mag-uutos sa subconsciousness mo na, "kakaiba ito, matikman nga." So yun na ang simula ng aking Paotsin food affair.
Paotsin's Old Packaging
Paotsin's New Packaging
Una kong tinikman ang kanilang fried siomai. Ok naman pero nakakapanibago dahil nasanay ako sa steamed siomai. Wala namang something special sa fried pork siomai - except for the fact na malutong sya compared to the steamed one (think twice pag malutong na rin ang steamed siomai). At dahil kadalasang mahaba ang pila sa Paotsin sa mga SM malls, hindi ito yung tipo ng meal na pagtitiyagaan mong hintayin sa pila sa loob ng 15 minuto. In short, "ok lang."
Ang usual scene sa Paotsin stalls
Pero nagbago slightly ang aking pananaw when I tasted their sharksfin at crab wanton of course, with their trademark toyomansi with chili. Ito yung tipong timpla na swak na swak sa panlasa ko, yung tipong mag-cecelebrate ang mga taste buds mo. Parang sinasabi ng utak mo, "Gusto ko pa, gusto ko pa!" Tapos sasagot yung wanton at toyomansi ng, "May silbi ako, may silbi ako." Habang sumisigaw yung tyan mo ng, "Tama na, tama na. Wala na akong space!" At the end of this battle, syempre panalo si utak pag meron ka pang budget - speaking of budget, you can have Paotsin's wantons and dumplings for P34 (without rice) or P45 (with rice). At syempre pa, hindi kumpleto ang meals pag wala ang kanilang very refreshing na Buko Pandan juice (12oz - P18, 16oz - P20, 20oz - P22).
Healthwise, dahil fried sya, expect na di sya ganun ka-friendly sa katawang lupa unless they use olive oil. At ang Hainanese rice, amoy pa lang, MSG na! Pero pag natikman mo na ang isang sforkful ng rice na ito, you will certainly ask for more. Ang health benefits (or the lack/opposite of it), ng MSG ay pwedeng pagdebatehan sa ibang venue.
---
Frequently visited branch (author): Paotsin, Pavillion Foodcourt, Pavillion Mall, Greenfield District, Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City
Location/s: SM malls, Robinson's malls, Ayala malls, other malls
Business Hours: Mall hours (depende kung saang mall)
Estimated Budget: P50 to P70 per meal
Payment Method: Cash
No comments:
Post a Comment